ako-na-yata

WriTiNg iS mY fRustRaTiOn. PeRhaPs eVeryBoDy eLsE's tOo...

Para Kay B

March 17, 2010


 

(o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)

 

Naniniwala ka ba sa pag-ibig? Malamang kung hindi ka pa nakaranas umibig tataas ang iyong kilay, kukunot ang noo at ibabagsak na lang ang diyaryong ito sa kung saan. Sa quota kaya ng pag-ibig? Kakayanin mo bang malaman kung saan ka mabibilang?

 

Ako ay pinapasulat ng kung anong artikulo ngunit sa kasamaang palad, dala na rin siguro ng katamaran, hindi ko nagawa. Ang bagsak ay isang book review ng Para Kay B na unang nobela ng batikang manunulat na si Ricky Lee.

 

Sa kanyang unang nobela, naglakas loob si Ricky Lee na sumulat ng akdang pwedeng basahin ng lahat (kung ikaw man ay tao), ang temang naghahari na sa m

 ga bookstore at sa mga bulsa ng mga hopeless romantic na  kung tawagin ay  pag-ibig

 

Ang para kay B ay binubuo ng limang istorya ng pag-ibig nina Irene, Sandra, Erica, Esther, at Bessie kung saan ipinakilala ni Lucas, isang baguhang manunulat, ang teorya niya tungkol sa quota ng pag-ibig na sa limang babaeng ito ay isa lang ang liligaya. Ang apat ay literal na “madi-devastate”.

           

 

Umikot ang lahat kay Lucas na gumagawa ng mga istorya at tauhan na ianakala niyang gugustuhing gampanan ni Bessie, ang kanyang iniibig na mahilig umarte at magsadula ng kung ano mang trip niya.

 

Si Irene na umibig sa isang pangako ng kasal, si Sandra na umibig sa sariling kadugo, si Erica na umibig sa ideya ng pag-ibig, si Esther na umibig sa kapwa babae, at sa totoo nitong kwentong si Bessie na hindi inibig ang umiibig sa kanya.

 

Sa kabila ng pagsusulat ng mga manyuskrito para sa mga pelikula tulad ng sikat na “Himala” na ginampanan ni Nora Aunor sa nakaraang dekada, sa pagkakataong ito, mas pinili ni Lee na magsulat ng tungkol sa pag-ibig at pinatunayan niyang isa siyang henyo di lamang sa pelikula kundi pati sa larangan ng panitikan.

 

Hindi siya nagpakulong sa kumbensyonal na anyo na pagsulat. Iniwasan niya ang paggamit ng mga bantas sa mga diyalogo ng mga tauhan na ayon sa kanya’y nakakasagabal lang sa pagbasa pero sa parehong pagkakataon ay hindi ka mahihilo sa kung sino mang tauhan ang nagsasalita.  Diretso kumbaga, walang preno.

 

Ang bagsak ng mga salita ay angkop sa gustong ipahiwatig na pagkakataon o sitwasyon sa kwento. Ibinibigay niya lahat ng detalye ngunit nagtitira ng kulang para gumana ang imahinasyon ng mambabasa.
         

 

Sabi nga ng mga kritiko, “umupo ka at kukwentuhan ka niya”.

 

 

Kaiba siya sa ibang libro ng pag-ibig na kung tawagin ay pocketbooks, Precious Heart’s Romance ang pinakasikat sa mga ito at pihadong ang iba sa inyo ay naaalala na ang pagka-adik noon.

 

Hindi pangkaraniwan ang mga kwento tulad ng tradisyonal na daloy kung saan alam mo na ang katapusan na ang bidang lalaki at babae ay mag-aaway, matatanto na mahal pa rin nila ang isa’t isa, magbabati, maghahalikan at liligayang magkasama habang buhay.

 

Trahedya ang pinakaangkop na salita para ilarawan ang ending ng bawat kwento. Aaminin kong nanggigil ako sa isang parte kung saan ginusto kong ako na lang sana ang sumulat ng buong kwento. Ang pagkasanay ko malamang sa lumang daloy ng kwento ng pag-ibig ang nagpagana sa aking imahinasyon para manguna at magdikta.

 

Si Lee ay nagbigay ng bagong perspektibo at pansin sa mga kalimitan nating hindi pinapansin na mga bagay. Para sa kanya ang lahat ay may  kwento ng pag-ibig. Simulan mo na sa mga bading at tomboy, magkapatid, matalik na magkaibigan, at sa mga nagmahal sa ideya ng pag-ibig.

 

Ang katotohanang ang lahat ng tao ay iibig , aabot sa pagkakataong mangangailangan ng pagmamahal at sa huli’y tatanungin sa sarili kung masaya siya o hindi- kung kasali man siya sa quota ng pag-ibig.

 

Maihahanay nga si Lee sa mga batikang manunulat na nmakapasa na sa mga mapanuring mata ng mga mambabasa ng kasalukuyang henerasyon. Ang pamamayagpag ni Lee sa paggawa ng manyuskrito ngayon ay sinusubuikan na rin ang pagbasag sa kumbensyonal na anyo ng kwento, pagbibigay ng bagong pagsusuri sa unibersal na paksa ng pag-ibig at isyung panlipunan na nagawa na ng mga manunulat tulad nina Bob Ong at Eros Atalya.

 

Magkakaroon ng bagong mukha ang panitikang Pilipino. Mula dito maaalala ko ang limang kwento ng pag-ibig ni Ricky Lee at kung paano kayang igupo ng isang letra ang isang taong tunay na nagmamahal.

 

Ikaw? Isa ka bang malaking S? Anong letra ang gumugupo sa iyo?

 

Posted by akonayata at 6:16 pm | permalink

Previous Comments

syempre

Posted by rjay at January 29, 2011, 12:54 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

March 2010
M T W T F S S
« Oct   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

ako-na-nga

isang nagsusulat lang dahil nagsawa na ang karamihan sa iilang napagsasabihan....

naniniwalang ang pagsusulat ay isang midyum ng pagaalis ng sama ng loob

ang paghihimutok ng mga titik at ang pag-unga ng mga tuldok..

 mahal ko ito dahil alam kong mahal nia rin ako..

 

Recent Photo

bilang

Message Board

Home business:

Ideas For Small Businesses From

Your Entertainment Source:

all about information about entertainmnet

http://www.thetwilightsong.com/

Wealth Investment Solutions:

information about Wealth Management, Wealth Planning, Wealth Advice, Investing Money, Asset Management

www.crbwealth.com

Music For Live:

All informations about music gentre

http://www.chrissundive.com/

Home business:

Ideas For Small Businesses From Home

Pc Gaming Blogs:

http://www.deadzone-radio.com/

Pc gaming blogs

Internet Business:

http://www.freeonlinebisnis.com/

Learn and choosing Which Online Business Opportunity Should you Choose

Entertainment Centre:

http://www.blackbirdsongs.com/
Entertainment center for your life

Your Online Business:

http://www.blaze-net.com/

Informations about how to up your online business

Healthy Eating:

http://www.jenyrestaurant.com/
Healthy Eating

agen bola:

Agen bola binatang buruan anda ada waktu untuk bermain di kenyamanan rumah anda di sini adalah situs web sempurna untuk bermain untuk.

taruhan bola:

Jika anda ada waktu untuk memainkan penjudian berkunjung di sini yang anda bisa menikmati taruhan bola. http://www.bolazoom.com/sportsbook/

Lawn Mowing Business:

http://www.besthitman.info/
Lawn Mowing Business

Plus Size Fashions:

Plus Size Fashions
http://girl-66.net/

Income best Apartements:

Income best Apartements
http://www.crescentridgeapartmenthomes.com/

Internet Marketing Tools:

Internet Marketing Tools
http://www.gencayguzel.com/

ibcbet:

Cara sempurna untuk binatang buruan sandiwara ibcbet di mana di sandiwara seluruh di kenyamanan rumah anda.

sbobet:

Di mana anda bisa bertanding dengan binatang buruan dan informatif dan menggunakan penuh sbobet penggunaan di rumah anda. http://www.bolazoom.com/sbobet/sbobet-com/

agen bola:

Agen bola binatang buruan anda ada waktu untuk bermain di kenyamanan rumah anda di sini adalah situs web sempurna untuk bermain untuk.

Music Business Degree:

Music Business Degree
http://listbuildingradio.com/

Leave a message ▼